Sunday, September 18, 2011

Hilaga't Kanluran

Sadyang magkaiba ang ating mundo.
Hindi ko alam pano magkakasundo.
Hindi man lang magkatagpo.
Ako ba'y may karapatang magtampo?

Sa hilaga ka at ako'y sa kanluran?
Papayag nalang bang mapaglaruan?
Ng tadhanang kailanma'y hindi nakiayon
Kahit idaan pa sa hinahon.

Nanalig na lamang sa mga binitawang salita
Ngunit di batid kung may kabuluhan pa ba?
Waring tatakas na lamang kasama ng hangin.
Na walang anumang habilin.

No comments:

Post a Comment